Ikinatuwa ng Quezon City government ang pagtugon ng mga residente makaraang umabot na sa mahigit 1.4 milyon residente ng lungsod ng Quezon ang fully vaccinated na ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa ulat ng QC government, hanggang kahapon ay umabot na sa 1,486,195 o 87.42% ng target adult population ang kumpleto nang naturukan ng bakuna kabilang ang nabigyan ng single dose vaccine na Janssen.
Sa ulat ng QC Local Government Unit (LGU),umabot na sa 3,170,591 doses ng bakuna ang naibigay na sa vaccination program ng lungsod.
Paliwanag ng LGU, nasa 1,778,126 o 104.60% ang nabakunahan na ng first dose habang 1,392,465 o 86.69% naman ang second dose.
Hinihikayat pa ng QC government ang iba pang residente na magparehistro para maturukan ng bakuna na panlaban sa virus.