QC Mayor Belmonte, “deadma” sa alegasyon ni Rep. Defensor na overpriced ang face shields na binili ng LGU

Ipinagkibit-balikat lang ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang alegasyon ni AnaKalusugan Partylist Representative Mike Defensor na overpriced ang biniling mga face shields ng lokal na pamahalaan.

Sa halip na sagutin ang alegasyon, ipinagmalaki ni Belmonte na bukod tanging sa administrasyon niya kinilala ng Commission on Audit ang QC Local Government Unit (LGU) bilang walang bahid ng katiwalian.

Kinuwestyon kasi ni Defensor ang pagbili ng QC-LGU ng mga face shields, na nagkakahalaga ng P60 kada isang piraso gayong ang kasalukuyang market price nito ay P10.


Hinamon ni Defensor ang COA na magsagawa ng audit report at isapubliko rin ito sa pamamagitan ng pag-post sa website.

Sinabi naman ni QC Business Permits and Licensing Department head Margie Santos na hindi umano nila makukuha ang mataas na rating sa COA kung may overpricing sa procurement ng face shields.

June 21 nang igawad ng COA ang “unqualified opinion” rating sa Quezon City government.

Facebook Comments