QC Mayor Belmonte, ikinalugod ang pagka-aresto sa 2 salarin sa pagpatay sa dating media at negosyante na si Gwenn Salamida

111

Pinapurihan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), sa mabilis nitong pag-aksyon upang maaresto ang mga salarin sa pagpaslang sa dating media at negosyante na si Gwenn Salamida at pagkasugat ng kasama nito sa trabaho na si Oliver Perona noong Agosto 17 sa Brgy. Apolonio Samson.

Aniya, dahil sa pagkaka-aresto sa mga suspek mabilis na makakamtan ng pamilya ng napaslang ang katarungan.


Kinilala ni Belmonte ang walang tigil na pagtutok ng mga tauhan ng QCPD para matunton ang mga suspek sa krimen na sina Nilo Ayub at Richard Alaba sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang dalawa, gayundin ang mga ebidensyang nakuha sa kanila para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments