Umapela sa lahat ng hospital sa Metro Manila si Quezon City Mayor Joy Belmonte na gawin ang lahat para maproteksyunan ang healthcare workers laban sa COVID-19 pandemic.
Ang pakiusap ay ginawa ng alkalde dahil sa mataas na infection rate ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga taga-Quezon City na namamasukan sa higit 50 public at private hospitals.
Hiniling nito sa hospital owners at administrators na bigyan ng ligtas na working conditions, maraming personal protective equipment (PPE) at libreng virus testing ang mga staff at medical professionals.
Base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), 390 na healthcare workers mula sa Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19 hanggang May 11.
Karamihan sa affected individuals ay doctors, nurses, radio technologists, attendants, drivers at iba pa na nagtatrabaho sa ibang hospital sa Metro Manila.
Mungkahi naman ni Dr. Rolando Cruz, Head ng QC-Epidemiology and Surveillance Unit, dapat ikinukunsidera ng mga hospital na bigyan sila ng temporary housing facilities na maaari nilang pahingahan pagkatapos ng duty.