Balik trabaho na sa City Hall ng Quezon City simula ngayong araw si Mayor Joy Belmonte matapos makumpleto ang Mandatory 14-day quarantine period ng Department of Health (DOH).
Napilitang tumigil sa kanyang trabaho ang alkalde mula nang i-anunsyo na nagpositibo ito sa COVID-19 pandemic noong July 8, 2020.
Sa abiso ng Quezon City Local Government Unit, binigyan na ng clearance si Belmonte ng City Health Department matapos magnegatibo ang kanyang huling rapid diagnostic test.
Ayon kay Belmonte, sa kabuuan ng kanyang quarantine period ay naging asymtomatic lamang siya kaya’t tuloy pa niyang nagampanan ang kanyang tungkulin.
Facebook Comments