Sa layuning mapigilan ang mga sunod-sunod na insidente ng sunog sa Quezon City ay bumuo ngayon si Mayor Joy Belmonte ng task force na tututok sa fire prevention.
Ang task force ang direktang magsasagawa ng pag-aaral sa mga hakbang na pwedeng gawin para maiwasan maulit ang mga fire incident.
Ito naman ay kanilang irerekomenda sa city council upang makalikha ng mga polisiya.
Ang Task Force on Fire Prevention and Preparedness ay binubuo ng iba’t ibang departamento sa city government.
Kabilang din dito ang mga utility companies tulad ng Meralco at ang mga water concessionaire na Manila Water at Maynilad.
Ayon kay Councilor Ranulfo Ludovica, ang chairperson ng Committee on Public Order and Safety ay plano nilang magsulong ng legislation patungkol sa fire safety at prevention.
Aniya, karamihan sa mga fire incident sa lungsod ay nangyayari sa mga komunidad ng mga informal settler family.
Malimit aniyang sanhi nito ay ang makikipot na kalsada na nagsasanhi upang mahirapang makapasok ang mga rumerespondeng bumbero.