QC Memorial Circle, dinagsa ng mga nag-e-ehersisyo

Halos mapuno ang loob ng Quezon City Memorial Circle ngayong araw, November 7, dahil sa dami ng mga nag-e-ehersisyo.

Kabilang dito ang mga kabataan na dumayo sa sikat na pasyalan sa lungsod kasama ang kanilang mga guardian.

Bukod sa ilang grupo ng mga nagzu-zumba, marami rin ang makikitang naglalarong kabataan sa lugar.


Naka-deploy naman ang mga tauhan ng Quezon City Police District at Task Force Disiplina para matiyak na nasusunod ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Matatandaang pinapayagan nang lumabas para mag-ehersisyo ang mga menor de edad matapos na isailalim sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Facebook Comments