Pinasimulan na ng Quezon City government ang inspeksyon sa iba’t ibang dining places sa lungsod bilang paghahanda sa itataas na seating capacity ng costumers simula bukas, July 21, 2020.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, papayagan na ang food establishments at restaurants sa General Community Quarantine (GCQ) areas na itaas ang seating capacity ng 50% na inanunsyo ng Department of Industry (DTI).
Nais din makatiyak ang lokal na pamahalaan na makakasunod sa dine-in guidelines ang mga restaurant owner, fastfood chains, at iba pang food businesses sa lungsod.
Nagpaalala ang alkalde sa mga negosyante na lalo pang maghigpit sa implementasyon ng health protocols tulad ng paggamit ng thermal scanners, logbooks para sa contact tracing, at markers and signages para sa physical distancing at iba pa.
Sa kabila nito, nagpaalala naman si Business Permit and Licensing Division Head Margie Santos na sinumang mahuling lalabag sa guidelines ay makakasuhan sa ilalim ng Republic Act 11332 na may katapat na kaparusahan tulad ng pagbawi sa business permits.