Inanunsyo ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na tumaas ang bilang ng may sakit na hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Quezon City.
Umakyat ito sa 118 simula January 1 hanggang July 1 na mula sa 105 sa parehong panahon.
Ito ay base na rin sa datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU).
Ang District 4 ang may pinakamataas na bilang na naiulat na kaso ng HFMD na may 28 cases.
Ang District 3 naman ang may pinaka-mababang kaso na may bilang na 12 case.
Walang naiulat na may namatay dahil sa HFMD.
Umapila naman ang Quezon City na agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa lugar kapag nakakaranas ng sintomas ng HFMD.
Kadalasang sintomas nito ay pagkakaroon ng mga mapupulang butlig, pananakit ng lalamunan at lagnat na kadalasang nagkakaroon nito ay mga sanggol.
Ang HFMD ay dulot ng bakteryang enteroviruses tulad ng coxsackieviruses at enterovirus 71 (EV71).