Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong grave threat na isinampa ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang kinumpirma ng isa sa mga legal counsel ng dating Pangulo na si Atty. Harry Roque .
Nag-ugat ito sa umano’y pagbabanta ni Duterte kay Castro sa isang programa sa telebisyon.
Sinabi ni Atty. Roque na batay sa natanggap nilang kopya, hindi sapat ang ebidensya laban kay dating Pangulong Duterte.
Sa naunang counter affidavit ni Duterte, sinabi nito na ikinukwento lamang niya ang kanilang napag-usapan ng anak nitong si Vice President Sara Duterte at wala siyang intensyon na pagbantaan si Castro .
Ayon naman kay Rep. Castro. makikipag-ugnayan pa siya sa kanyang abogado dahil wala pa siyang natatanggap na kopya.