QCADAAC maglalatag ng recovery counseling sa mga babaeng preso

Magtutulungan ang Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council  at  City Jail Management Bureau para sa pagsasagawa ng drug recovery counseling program sa mga babaeng preso sa lungsod.

Kasunod ito ng nilagdaang memorandum of understanding QCADAAC at ang Bureau of Jail Management and Penology – Quezon City Female Dormitory (BJMP-QCFD)   para sa pagpapatupad ng programa na  layuning mapagbuti ang kalusugan at kalidad ng pamumuhay ng mga biktima ng iligal na droga.

Ayon kay Quezon City Vice Mayor at QCADAAC Chair Joy Belmonte, ang nasabing hakbang ay isa sa mga programa ng lokal na pamahalaan para isawata ang illegal drug abuse sa lungsod, kasama ng community rehabilitation programs at education campaign sa mga barangay.


Aktibong nakikipagtulungan ang QCADAAC sa Philippine Drug Enforcement Agency  sa pagsasagawa ng anti-illegal drug abuse programs kabilang na ang drug-free workplace advocacy sa mga pribadong establisimyento at ang Project “Sagip Batang Solvent” na inilunsad kamakailan.

Sa pinakahuling datos, nasa 30 na ang naideklarang drug-cleared barangay sa Quezon City dahil sa patuloy na drug clearing operation ng Quezon City Police District.

Facebook Comments