QCDRRMO, ininspeksyon ang 3-palapag na bahay na gumuho at nilamon ng ilog sa QC

Ininspeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang lugar kung saan gumuho ang isang 3-palapag na bahay sa West Riverside street sa Del Monte, Quezon City.

Layon nito na mataya kung magdudulot pa ng peligro sa iba pang bahagi ng West Riverside ang nangyaring pagguho.

Hinihintay pa ngayon ang rekomendasyon ni QCDRRMO Chief Mike Marasigan kung kinakailangan nang palikasin ang mga residente na nanatili pa rin sa mga bahay malapit sa gumuhong bahay.


Sinisikap na ng mga taga QCDRMMO na i-rekober ang ilang mahahalagang gamit ng may-ari ng gumuhong bahay.

Facebook Comments