Nagsasagawa na ng disinfection ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa mga pampublikong paaralan sa lungsod bago ang pasukan ng klase sa October 5, 2020.
Layon nito na gawing ligtas at COVID free ang mga paaralan sa mga school personnel na magbabalik trabaho na sa pasukan ng klase.
Bahagi rin ito ng patuloy na pagpupursige ng lokal na pamahalaan na makontrol ang pagkalat ng virus.
Kasama ng decontamination team ng QCDRRMO ang Talayan Filipino-Chinese fire at rescue volunteers sa pag-disinfect at pagsanitize sa mga public school.
Ilan sa mga paaralan na isinailalim sa disinfection ay ang Camarilla Elementary School, P. Bernardo Elementary and High Schools, Krus na Ligas Elementary School, Bagong Pagasa Elementary School.
Asahan pa na magtutuloy-tuloy ang disinfection at sanitation activities sa iba pang paaralan sa mga susunod na araw.