QCPD at Comelec, nagsagawa ng oplan baklas sa QC

Quezon City – Inikutan na rin ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Commission on Election (Comelec) ang lungsod ng Quezon para pagbabaklasin ang mga tarpaulin ng mga pasaway na politiko.

Alas 3 pa lamang ng madaling araw, nagtipon-tipon na ang tropa ng media, pulis at Comelec sa Quezon City Hall para isakatuparan ang misyon.

Nagkalat sa mga poste, dingding, kawad ng kuryente sa IBP Road ang mga mukha ng politiko na tumatakbo sa local at national election.


Iginiit ng Task Force Tear Down, dapat sa common poster area ilagay ang kanilang campaign paraphernalias at hindi sa common poste area.

Ayon naman sa ilang residente bukod sa madumi tignan delikado kung sa bawal na lugar ilalagay ang mga campaign paraphernalias.

Hindi nila iboboto ang mga ganitong klaseng kandidato na ngayon pa lamang ay hindi na marunong sumunod sa batas.

Samantala ayon sa Comelec QC, hindi pa nila mapapanagot ang mga kandidato sa local dahil sa March 29 pa ang campaign period.

Facebook Comments