QCPD Director Torre, sumalang sa witness stand ng QC RTC kaugnay ng Enzo Pastor case

Isinalang kanina sa witness stand sa Quezon City Regional Trial Court Branch 97 si Quezon City Police District (QCPD) Director Gen. Nicolas Torre III sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng pagpatay sa race car driver na si Enzo Pastor.

Ito ay para sa kasong murder laban sa gunman na si P02 Edgar Ybanez at ang nagsilbing look out na si Domingo de Guzman III.

Nauna rito, ipina-subpoena ng korte ang mga call logs na nakuha ng QCPD-CIDU mula sa iba’t ibang telcos.


Sa panayam ng RMN-DZXL, sinabi ni Torre, ang mga call logs na ito ay mga telephone conversation ng tatlong suspek noong araw bago paslangin si Enzo.

Ikinatuwa naman ni Remy Pastor, ina ni Enzo ang muling pag-usad ng kaso na nahinto ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Umaasa ang ina ni Enzo na lilitaw ang katotohanan at makakamit ang hustisya sa pagkamatay ng international car race driver.

Pinatay si Pastor noong June 12, 2014 habang nagmamaneho sa lungsod ng Quezon.

Facebook Comments