QCPD, gagamit ng mga panukat simula bukas para ipatupad ang mga health protocols

Simula bukas, hindi yantok ang bitbit ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) kundi isang meter stick para maging sukatan ng social distancing.

Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Danilo Macerin, magpapakalat siya ng mas maraming pulis sa mga malls, simbahan, plaza at iba pang pampublikong lugar para sa mas mahigit na pagpapatupad ng health and safety standards.

Ipatutupad na rin ng QCPD ang ordinansang inaprubahan ng Konseho ng lokal na pamahalaan na nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng kanilang mga bahay.


Ani Macerin, ang hakbang na ito ay bunsod na rin ng pangambang pagsirit ng mahahawaan ng COVID-19 ngayong kapaskuhan.

Base sa huling datos ng QC Epidemiology and Surveillance Unit (ESU), bumilis ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa nakalipas na dalawang linggo matapos luwagan ang community quarantine restrictions.

Facebook Comments