QCPD, handang-handa ng ipatupad ang QC Executive Order No. 26 na nagbabawal na i-discriminate ang mga taong hinihinalaang nagpositibo sa COVID-19

Tinitiyak ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo na mahigpit nilang ipatutupad ang Quezon City E.O. No. 26 na nagbabawal at nagpaparuda sa sinumang indibidwal na nag-discriminate sa mga taong nahawaan o hinihinalaang mayroong taglay na COVID-19 at maging ang kanilang miyembro sa bahay kabilang ang mga frontliners.

Ayon kay General Montejo ang EO na nilagdaan ni QC Mayor Joy Belmonte noong nakaraang April 6, 2020 ay makatutulong para protektahan ang mga frontliners at mga taong hinihinalaang mayroong taglay na COVID-19 at ang sinumang mahuhuli na lumalabag dito ay papatawan ng hustisya na naaayon sa naturang batas.

Paliwanag ni Police Brigadier General Montejo, binigyang diin nito ang naging pahayag ni Mayor Belmonte na ang diskrimanasyon ay walang sa lungsod Quezon lalong-lalo na ngayong panahon ng krisis dahil sa ngayong ay may karampatang parusa na ang diskriminasyon, kung saan umaasa ang opisyal na magdadalawang-isip na ang sinumang nagnanais na gumawa nito.


Giit ng opisyal sinuman na tumangging isakay, bumili ng pagkain at tinanggihan ng mga service crew o anumang gawaing discrimination laban sa persons under investigation (PUIs), persons under monitoring (PUMs), COVID-19 infected individuals, health workers, responders at service workers ay mahigpit na ipinagbabawal sa Quezon City.

Dagdag pa ni Police Brigadier General Montejo na ang sinumang lumabag dito ay parurusahan sa ilalim ng Sec. 9 (a) of Republic Act 11332, Data Privacy Act, Cybercrime Prevention Act and the Revised Penal Code, depende sa kanilang ginagawang aksyon.

Facebook Comments