QCPD, humingi ng paumanhin kay VP Sara Duterte sa pagkakaladkad ng kanyang pangalan sa abalang dulot ng pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue

Humingi ng public apology ang Quezon City Police Department (QCPD) kay Vice President Sara Duterte sa pagkakakaldkad ng kaniyang pangalan sa nangyaring abala dulot ng pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan na hindi si VP Duterte ang binigyan nila ng security measures sa pangyayari.

Aniya, ang traffic management ay isang bahagi ng pagbibigay nila ng security measures sa mga VIPs, kabilang dito ang mga diplomats, elected government officials, state guests at iba pang personalidad.

Giit ni Maranan, hindi konektado sa pulitika ang pangyayari.

Aminado naman si Maranan na nagdulot ng perwisyo sa mga motorista ang pagbigat ng trapiko.

Nangako ang QCPD, na mananatili ang kanilang pangako na tiyakin ang seguridad ng lahat ng indibidwal na nasa kanilang proteksiyon anuman ang kanilang katayuan sa lipunan.

Facebook Comments