
Sasampahan ng kaso ng Quezon City Police District ang driver ng bus na umararo sa ilang sasakyan sa Commonwealth avenue kanina.
Ayon kay QCPD Director PLCol. Randy Glen Silvio, kasong reckless imprudence resulting in multiple damage to property at multiple physical injuries ang driver na si alias Ronaldo, 36 anyos at residente ng San Jose del Monte, Bulacan.
Kabilang sa mga sangkot na sasakyan ay isang Toyota Corolla sedan, isang Isuzu UV Express, isang modern jeepney, isang traditional jeepney at anim na motorsiklo.
Anim na pasahero ang dinala sa East Avenue Medical Center, Rosario Maclang Baustita Hospital at Commonwealth Hospital.
Gayunman, wala naman umanong seryoso sa mga nasugatan na pasahero na nanatili sa ospital.
Ang iba namang bahagyang nasaktang pasahero ay hindi na nagpadala sa ospital.
Nauna rito, hindi bababa sangkot sampu ang bilang mg mga nasaktan na pasahero sa nangyaring aksidente.









