Matatagalan pa bago tuluyang malinis ang lungsod sa pagkalat ng ilegal na droga.
Ito ang inihayag ni QC Police District Director P/brig. Gen. Joselito Esquivel Jr na kasunod ng pagdedeklara sa 11 pang mga barangay na itinuturing ng QC anti-drug advisory council na ‘drug-cleared’ o malinis na sa illegal drugs.
Ayon kay Director Esquivel, nasa 36 pa lamang na barangays mula sa kabuuang 142 barangay sa kyusi ang drug-cleared.
Ang drug-cleared barangay ay ang mga lugar sa isang kumunidad na napaghuhuli na at natukoy na ang lahat ng mga drug-pusher kasabay ng pagsasampa ng mga kaso laban sa mga ito.
Sabi ni Esquivel, isang malaking hamon ngayon sa QCPD ang gagawing pagbabantay sa pagpasok ng mga dayo at bagong sibol na tulak ng ilegal na droga sa isang deklarado nang drug-cleared barangay.
Kabilang sa mga bagong drug cleared barangays ay ang brgy. Masagana, Camp Aguinaldo, Blue Ridge a, Marilag, White Plains at iba pa.