QCPD, iniimbestigahan ang mga bomb scare sa mga restaurants sa QC

Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang insidente ng bomb threat sa tatlong bahay kainan o restaurants sa lungsod noong Hulyo a dose.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Joselito Esquivel Jr., iniutos na niya sa QCPD Anti-Cybercrime Division na tukuyin kung sino ang nagpadala ng bomb threat.

Isang nagpakilala kumander ‘Jaguar Sultan’ ang tumawag sa telepono sa manager ng Conti’s Bakeshop and Restaurant sa Katipunan Avenue.


Humihingi ito ng P50,000 dahil kung hindi ay may sasabog sa  establishimento.

Katulad din na bomb scare ang tinanggap ng manager ng Dapo Restaurant sa Scout Tobias Street at sa Half Saints Restaurant sa Sgt. Esguerra Avenue.

Agad na rumisponde ang Explosive and Ordinance Disposal Unit ng QCPD pero negatibo naman sa bomba ang naturang mga restaurant at ang kanilang parking lot.

Apela ni Esquivel sa publiko, maging mapagbantay kasunod ng insidente ng paghahagis ng granada ng hindi pa nakikilalang katao sa isang Korean restaurant sa Scout Tuazon noong Hulyo a diyes.

Facebook Comments