Inaalam na ng Quezon City Police District o QCPD ang mga alegasyon na nagpanggap na social worker ang mga pulis para maaresto si Professor Melania Flores sa loob ng University of the Philippines (UP) Campus sa QC.
Sa pahayag kasi ng All UP Academic Employees Union kung saan dating naging Presidente si Flores, nilabag umano ng mga pulis ang UP-DILG accord dahil sa ginawang pag-aresto kay Flores sa loob ng UP Campus.
Ayon naman kay QCPD PIO Chief PCapt. Johana Lavarias, wala pa silang impormasyon kaugnay sa mga alegasyon ng mga progresibong grupo.
Paliwanag ni Lavarias, ipinatupad lang nila ang arrest warrant na inilabas ng Korte.
Sa naging pahayag naman, sinabi ng All UP Academic Employees Union na inresto si Flores dahil sa paglabag sa Social Welfare Act na nag-ugat sa hindi umano pagbibigay ng benepisyo sa kanyang kasambahay.
Dagdag pa ng QCPD, 72,000 ang kaukulang piyansa sa kasong kinakaharap ni Flores.