QCPD, ipinagdiwang ang kanilang ika-83 anibersaryo

Nagdiriwang ngayon ang Quezon City Police District sa ika-83 anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensya.

Ito ay isinagawa sa Grandstand Camp, Karingal, Quezon City ngayong araw, Nobyembre 25, na may temang “QCPD, tagapaglunsad ng serbisyong may malasakit, patnubay sa kaayusan at kapayapaan, kaagapay tungo sa kaunlaran, katuwang ang simbahan at pamayanan ng lungsod ng Quezon”.

Ito ay dinaluhan ng pangunahing bisita at anak ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na si William Vincent A. Marcos, PBGen. Nicolas Torre III, PBGen. Rodolfo Azurin Jr., at acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo.


Ibinida ng QCPD ang mga pagod at hirap na nagawa ng mga awtoridad sa pagprotekta sa kanilang lungsod.

Nagbigay naman ng mensahe si William Vincent Marcos kaugnay sa kahusayan na nagawa ng QCPD sa pagbibigay ng kaligtasan sa bawat indibibwal na mamamayan sa Quezon City.

Pinakita rin ang mga kagamitan sa ginawang “pass and review” na gagamitin ng mga pulisya ng QCPD sa pagresponde mula sa bagong mga motorcycle, ambulance, remote mobile investigator, bike, CDM equipment, SAR rescue boat, kagamitan ng SWAT, at mga drone na gagamitin sa mga operasyon.

Facebook Comments