QCPD, ipinagmalaki ang kahandaan ng mga tauhan nila sakaling dumating ang The Big One

Quezon City – Ipinagmalaki ni QCPD Deputy District Director for Operation P/Sr. Supt Criz Nieves ang ipinakitang kahandaan ng mga tauhan ng QCPD sakaling hindi inaasahan dumating ang tinatawag na The Big One.

Ayon kay Nieves, kontento siya sa ginawang kunwaring pagresponde ng mga pulis sakaling magkaroon ng hindi inaasahang lindol sa kanilang area of responsibility.

Paliwanag ni Nievez, na-improved ang mga tauhan ng QCPD sa kanilang ipinakita kahapon na lahat ay nag-Duck Cover and Hold ng magsagawa ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa loob ng Grandstand ng Kampo Karingal.


Sang-ayon si Nieves na dapat pinaghandaan ng husto ng mga pulis ang pagsasagawa ng Earthquake Drill at dapat ay seryosohin ang kanilang mga ginagawa dahil hindi alam ng lahat kung kailan darating ang hindi inaasahang The Big One.

Facebook Comments