QCPD, magpapatupad ng rerouting para sa SONA sa Lunes

33

Pinayuhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga motorista na maghanap ng alternatibong daan dahil isasara ang Commonwealth Avenue kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Bukas, July 25, isasara ang buong northbound lane ng Commonwealth Avenue mula Quezon City Memorial Circle/Philcoa hanggang Litex at IBP Road.


Isasara naman sa Lunes, alas-6:00 ng umaga ang northbound lane ng Commonwealth Avenue para sa pribadong sasakyan.

Isasailalim din sa lockdown sa mga motorista ang IBP dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Tiniyak naman ng QCPD na magdedeploy sila ng libreng shuttle service para sa mga commuters na maapaektuhan ng pagsasara ng Commonwealth Avenue.

Umapela naman si QCPD Director Police Brig. Gen. Antonio Yarra sa publiko ng pag-unawa hinggil dito.



Facebook Comments