QCPD, may lead na sa pagpatay sa 16-anyos na binatilyo sa Quezon City

Quezon City – Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD) na mayroon na silang lead sa pagpatay ng riding-in-tandem sa isang 16-anyos na estudyante sa Project 8, Quezon City.

Matatandaan na ang biktimang si Kevin Realtaso ay naglalakad lamang sa General Avenue, Bahay Toro nang bigla siyang salubungin at hablutin ng naka-motor na mga suspek bago ito pagbabarilin.

Ayon kay Senior Inspector Elmer Monsalve, hepe ng QCPD Homicide Division, sinisiyasat pa nila ang ilang kuha ng mga CCTV sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.


Sinasabing malaki ang pagkakapareho nito sa mga suspek sa nanloob sa isang bakery sa Mindanao Avenue sa parehong lungsod na nasapul naman ng CCTV.

Patuloy na umaasa ang pamilya ng menor de edad na biktima na makukuha nila ang hustisiya sa naturang krimen.

Facebook Comments