QCPD, muling inilatag ang Travel Pass Guidelines sa QC sa panahon ng MECQ

Muling ipinaalala ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga panuntunan sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lungsod.

Ito ay alinsunod na rin sa inilabas na guidelines ng Quezon City Local Government Units.

Ayon kay QCPD Director Brigadier General Ronnie Montejo, hindi na kailangang kumuha ng travel pass ng mga residente kung sa loob lamang ng lungsod ang kanilang pupuntahan.


Ito ay para sa mga sumusunod na rason o pakay:

  • Kung ang residente ay magpupunta sa trabaho, kailangan lamang niyang ipakita ang company ID at kung wala nito ay kinakailangang kumuha ng Barangay Quarantine Pass.
  • Ang mga COVID-19 Responders ay kailangan lamang ipakita ang kanilang medical ID o Inter-Agency Task Force Authorized Person Outside Residence (APOR) ID.
  • Hindi na rin hahanapan ng travel pass ang mga delivery, courier o mga cargo services.
  • Hindi rin kailangan ng pass o certification ang mga magbubukas ng kanilang negosyo basta’t ito ay kabilang sa mga pinapayagan nang magbukas na establisyimento.

Sabi pa ni Montejo, ang travel pass ay kakailanganin lamang kung lalabas na ng lungsod patungo sa ibang lungsod pero dapat ay lubhang kailangan o emergency ang gagawing paglabas.

Hinikayat ni Montejo ang publiko na makipag-kaisa at sumunod sa guidelines upang mapigilan ang pagkalat pa ng sakit.

Facebook Comments