Quezon City – Binalaan na ni QCPD Dir. PChief/Supt. Guillermo Eleazar ang publiko na mag-ingat kay asid man o sa suspek na gumagala para manaboy ng asido.
Mag-ingat aniya at agad i-report sa kanilang tanggapan sa sandaling makita nila si asid man upang mahuli at makasuhan.
Tugon ito ni Eleazar sa sumbong na isang 33-anyos na ginang ang umano’y nagreklamo sa Caloocan Police Station matapos na sabuyan ng asido ng hindi kilalang suspek habang papaakyat sa footbridge sa A. Bonifacio kanto ng Sgt. Rivera, Quezon City kasama ang 4 na taong gulang na anak nitong babae.
Sinabi ni Eleazar na wala pang nagrereklamo sa kanilang tanggapan kaugnay ng nangyari sa biktima kayat wala silang mapagbatayan kung may katotohanan ang ulat.
Aniya, bagamat walang record ng insidente agad nitong inatasan ang police station-1 na nakakasakop sa lugar na makipag-ugnayan sa barangay at alamin kung may katotohanan ang nangyari at kung sino ang biktima.