
Naglatag na ng comprehensive security and deployment plan ang Quezon City Police District (QCPD) bilang paghahanda para sa Undas 2025.
Ayon sa QCPD, ito ay para masiguro kaligtasan at kaayusan ng publiko sa darating na All Saints’ at All Souls Day.
Ide-deploy sa naturang araw ang mga tauhan ng QCPD, mga barangay tanod, Lingkod Bayan Advocacy Support Group, Patrolya ng Bayan, security agencies, at Department of Public Order and Safety at karagdagang suporta mula sa Transport Management Department at Task Force Disiplina.
Samantala, paiigtingin naman ang police visibility sa mga sementeryo kabilang ang Novaliches, Bagbag, at Baesa Cemeteries na inaasahang dadagsain ng mahigit daang libong katao, kolumbaryo, mga bus terminal, LRT/MRT stations, malls, palengke, simbahan at iba pa lugar sa lungsod.
Pinaaalalahanan naman ng QCPD ang publiko na huwag magdala na ipinagbabawal na gamit at inumin, iwasang magsama ng mga bata sa maraming lugar, at maging maingat sa araw ng Undas.









