Nakikiusap ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga magulang na huwag nang magsama ng mga bata sa Simbang Gabi.
Nanawagan ang QCPD sa publiko na ipagbigay-alam sa mga otoridad ang anumang untoward incidents o kahina-hinalang bagay para sa kaukulang aksyon ng pulisya.
Muling naglibot kagabi sa mga simbahan sa lungsod si QCPD Director PBGen. Danilo Macerin para tiyaking naipapatupad ang mga security preparations at protocols para sa ligtas na pagdaraos ng Misa de Gallo.
Ayon kay General Macerin, mula nang pasimulan ang Simbang Gabi wala pang naitatalang major untoward incidents ang pulisya.
Nanawagan din ang heneral sa publiko, na kung maaari ay manood na lamang sa television at online ng mga Misa de Gallo upang hindi magkahawaan ng virus.
Bukod sa pagpapatupad ng mga health protocol sa mga simbahan at iba pang social gathering, dinoble rin ng QCPD ang mga pulis na nagroronda upang bantayan ang buong lungsod laban sa lawless elements.