QCPD, nagpaliwanag kasunod ng sobrang higpit ng checkpoint sa ilalim ng GCQ bubble

Photo Courtesy: QCPD

Nagdulot ng kalituhan sa publiko ang pagpapatupad ng mahigpit na checkpoint papasok ng Metro Manila kasabay pinapatupad na General Community Quarantine bubble.

Ayon sa mga motorista, hindi na dapat sila sinisita dahil magkakasama naman sa bracket ang Metro Manila at katabi na pinanggalingang lalawigan.

Sagot naman ni Quezon City Police District (QCPD) Director Gen. Danilo Macerin, base kasi sa pagkakaintindi niya sa kautusan, hindi nila papapasukin ang mga non-essential sa kanilang siyudad.


Kanina ay maraming hindi napasok sa Quezon City mula sa San Mateo dahil hindi naman importante ang kanilang lakad.

Kabilang na ang pagdayo pa para kumain, magpapagasolina lang o bibisita sa kamag-anak.

Samantala, apela naman ng heneral sa pampasaherong sasakyan na salain na ang kanilang pasahero.

Huwag nang pasakayin ang pasahero kung menor de edad, senior citizen o kaya naman kung ang lakad ng pasahero ay hindi naman importante.

Facebook Comments