Nakakakalag na ang police personnel ng Quezon City Police District (QCPD) para sa mapayapa at maayos na Semana Santa at panahon ng summer vacation ngayong taon.
Inaasahan ng QCPD ang pagdagsa ng mga manlalakbay at turista at ang pagtaas ng mga aktibidad sa bansa.
Mahigpit na binabantayan ng pulisya ang mga simbahan, transportation hubs at terminals, mga lansangan, commercial areas at iba pang converging points.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) District Director PBGen. Redrico Maranan, mas pinaigting pa nila ang seguridad at pagpapahusay ng presensya ng pulisya ngayong panahon ng bakasyon.
Nakipag-coordinate na rin sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP) at Quezon City Local Government Unit (LGU) para sa deployment ng augmentation upang maiwasan ang anumang untoward incidents.