QCPD, nakahuli ng 668 na lumabag sa curfew hour

Umabot sa 668 na violators ang hinuli ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa paglabag sa ipinatupad na curfew hour.

Ito’y mula alas-10:00 ng gabi ng March 15 hanggang alas-5:00 ng umaga ng March 16.

Pinakamaraming lumabag sa curfew ang hinuli ng Police Station 1 na umabot sa 91 violators.


Sinusundan ng Police Station-3 ng QCPD na may 90 na lumabag at Police Station-16 na may 83 violators.

Isasailalim sa profiling ang mga nahuli upang makita kung may kaso ang ilan sa kanila.

Ang mga mapapatunayan na may kaso ay dadalhin sa pulisya habang ang iba naman ay pagmumultahin.

Facebook Comments