QCPD, nakahuli ng 819 violators sa unang araw ng pagpapatupad ng uniform curfew

Umabot sa 819 ang hinuling violators ng Quezon City Police Department sa unang araw ng pagpapatupad ng uniform curfew.

Ito’y mula alas-diyes ng gabi ng March 15 hanggang alas-singko ng umaga ng March 16.

Pinakamaraming lumabag sa curfew ang hinuli ng Police Station 1 na umabot sa 91 violators.


Sinusundan ng PS-3 ng QCPD na may 90 na lumabag at Police Station 16 na may 83 violators.

Isasailalim sa profiling ang mga nahuli upang makita kung may kaso ang ilan sa kanila.

Ang mga mapapatunayan na may kaso ay dadalhin sa pulisya habang ang iba ay iisyuhan ng ticket.

Ang multa sa paglabag sa curfew hours ay P1,000 sa first offense, P2,000 sa 2nd offense at P5,000 sa 3rd offense.

Facebook Comments