QCPD, nangakong aayusin ang koordinasyon sa MMDA upang hindi na maulit ang insidente ng pamamahiya sa isang pulis na tiniketan sa isang clearing operation

Hindi umano kukunsintihin ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang mga tauhan na sumusuway sa batas.

Kasunod ito ng pag-viral ng video ng paniniket ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isang pulis QCPD sa isang clearing operation sa mismong tapat ng Anonas Police Station.

Ayon kay QCPD Director PCOL Melecio Buslig Jr, matibay ang kanilang paninindigan na ang lahat ng QCPD personnel ay dapat maging huwaran ng pagsunod sa batas.


Nangako si Buslig na aayusin ang koordinasyon ng mga police station sa MMDA upang hindi na humantong sa pamamahiya ang kanilang mga gawain.

Nangako si Buslig na magsisilbing aral ang insidente upang higit na palakasin ang coordination nito sa MMDA sa pagpapatupad ng traffic rules.

Facebook Comments