QCPD, nasungkit ang Best Police District; walong police units nito, kinilala rin

107

Nasungkit ng Quezon City Police District (QCPD) ang karangalang Best Police District.

Ito’y maliban sa pagkilalang ibinigay sa kanilang mga police unit at ilang tauhan sa katatapos na 119th Police Service Anniversary Celebration sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.


Kabilang sa tumanggap ng Best Unit Awards dahil sa mahusay na nagampanan ang Project Double Barrel ay ang Kamuning Police Station (PS 10) (Police District Level), Payatas PCP ng Batasan Police Station (PS 6) para sa Best Police Community Precinct.

Ginawaran naman si PLTCOL. Teresita Escamillan bilang Best Junior Police Commissioned Officer for Administration, PCpl. Mark Anthony R. Rigor – Best Junior Police Non-Commissioned Officer for Administration at NUP Willy Meneses Santos for Best Non-Uniformed Personnel (Supervisory Level).

Ayon kay QCPD Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo, iniaalay nila sa mga residente ng Quezon City ang nakamit na karangalan dahil sa pakikisa sa programa nila kontra illegal drugs.

Facebook Comments