QCPD, pinaalalahanan ang publiko na mas maging maingat ngayong nalalapit na holiday season

Quezon City – Kasunod nang naganap na panghoholdap ng apat na armadong lalaki sa isang pampasaherong bus kahapon ng madaling araw sa EDSA, Quezon City.

Umapela sa publiko si QCPD Director Pchief Supt. Guillermo Eleazar ng ibayo at dobleng pag-iingat ang gawin lalo na’t kung nasa alanganing lugar o dis-oras ng gabi.

Ito ay dahil sa nalalapit na ang holiday season kung saan sinasamantala ng masasamang loob ang makapambiktima.


Ayon kay Eleazar, ngayon pa lamang ay ina-anticipate at pinaghahandaan na ng QCPD upang masawata ang masasamang elemento.

Pinayuhan din nito ang mga nabiktima ng kahit anong krimen na agad magsumbong sa mga otoridad para marespondehan at mahuli ang mga salarin.

Sa ngayon, tuloy-tuloy sa pagpapatrolya ang mga mobile unit ng 12 himpilan ng pulisya sa kanilang mga nasasakupan para madaling makita at agad mahingian ng tulong ng publiko at nabiktima ng mga riding kriminal sa lungsod ng Quezon.

Facebook Comments