
In-activate na ng Quezon City Police District (QCPD) ang Special Investigation Team upang imbestigahan ang mga may pananagutan sa mga estudyanteng nabagsakan ng tipak ng semento mula sa isang condominium sa Quezon City noong Martes, August 12.
Ayon sa QCPD, nagpahayag ng kahandaan ang pamunuan ng Atherton Place Condominium na makipagtutulungan sa ginagawang imbestigasyon.
Iniulat din ng QCPD na nakalabas na sa ospital ang isa sa tatlong estudyante na nasugatan.
Nananatili naman naka-confine at under close observation sa intensive care unit (ICU) ang dalawa pang mag-aaral.
Facebook Comments









