QCPD, pinaiimbestigahan ang nangyaring pagpatay kay NDF consultant Randal Echanis at sa kasamahan nito

81

Pinaiimbestigahan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang pagpatay kina National Democratic Front Consultant Randal Echanis at Louie Tagapia.


Natagpuang patay ang dalawa sa 2nd floor ng condominium sa No. 14 Petronia St. Brgy. Novaliches, Novaliches Proper.

Unang ni-report sa QCPD Police station 4 ang pagkamatay ng isang Manuel Santiago na sa kalaunan ay lumitaw na si Randal Echanis.

Alas-5:00 ng madaling araw kahapon nang matagpuan ang duguang katawan nina Echanis at Louis Tagapia.

Nakarinig umano ang mga residente ng kalabugan mula sa apartment at nang silipin nila, limang lalaki ang nakitang nagmamadaling umalis.

Si Tagapia ay nakabulagta sa sahig at may palo sa ulo, habang si Echanis ay nakahiga sa folding bed at tadtad ng saksak sa katawan.

Nananawagan si Montejo sa mga may nalalaman sa insidente na makipagtulungan sa otoridad para malaman ang motibo sa pagpatay.




Si Echanis ay tumatayo ring Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Facebook Comments