Kasunod ng pamamaslang kay broadcaster/commentator Percy Lapid, pinulong ng Quezon City Police District (QCPD) – District Intelligence Division ang mga mamamahayag ng QCPD Press Corps.
Sa nasabing pulong, isa-isang tinanong ang bawat media personality kung may natatanggap silang pagbabanta sa buhay habang ginagampanan ang kanilang ang trabaho.
Tiniyak ni QCPD District Intelligence Division Chief Plt.Col. Cristine Meris Tabdi, handa silang magbigay ng protection at security sa sinumang mamamahayag na may banta sa buhay.
Gayunman, isasailalim pa ito sa assessment kung saan nakadepende ito sa bigat o klase ng threat o pagbabanta.
Sang -ayon din ang opisyal na magdala ng armas o baril ang media kung kinakailangan basta’t kailangang lisensiyado ito at maging responsable sa pagbibitbit ng baril.
Kaugnay nito, plano rin ng QCPD na isa-isahin ding puntahan ang iba pang media entity sa Quezon City para makipag dayalogo hinggil sa seguridad ng kanilang mga tauhan.