Hindi umano dapat matakot ang publiko sa pinalakas na police deployment sa lungsod ng Quezon.
Ito ang ipinahayag ni Quezon City Police District Director Pb. Gen. Danilo Macerin sa pagsabing suportado nito ang pinaigting na implementasyon ng Department of Health health protocols sa harap ng pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Macerin na magiging maingat ang QCPD sa pagpapatupad ng police operational procedures at titiyaking irerespeto ng mga pulis ang human rights sa kanilang anti-criminality at law enforcement operations.
Aniya, ang dinobleng police deployment ay para rin sa kaligtasan ng lahat, partikular sa mga lugar na may pagsipa ng COVID-19 cases.
Iniutos din ni Macerin sa kaniyang mga tauhan na manguna sa pagsunod panatilihin sa health protocols upang maprotektahan ang mga publiko sa banta ng pandemya.