QCPD, tinitingnan pa ang ibang anggulo sa pagkamatay ng VMX model na si Gina Lima

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Quezon City Police District o QCPD kaugnay ng pagkamatay ng VMX Model.

Ayon sa QCPD, tinitingnan nila ang lahat ng anggulo ng pagkasawi ni Gina Calvo Lima, 23 years old na nakatira sa Zinnia Condominium North Tower, Brgy. Katipunan, Quezon City.

Una nang isinasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima upang matukoy rin kung ang mga kumakalat sa social media na ang pambubugbog ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Sa pakikipag-ugnayan ng DZXL News sa QCPD, hindi pa sila makakapaglabas ng autopsy report dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Sa ulat ng La Loma Police Station 1 dakong alas-8:30 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay ng kaniyang karelasyon na si alias “Ivan” sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City.

Facebook Comments