Tiniyak ni Quezon City Police District Director, Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr ang isang ligtas at mapayapang pagdaraos ng kampanya ng mga lokal na kandidato sa lungsod.
Inatasan ni Esquivel ang labindalawang police station commanders ng QCPD na paigtingin ang paglalagay ng mga dagdag na public checkpoints sa mga strategic areas upang mapigilan ang
posibleng aktibidad ng mga wanted persons o mga criminal gangs na maaaring magamit na gun-for-hire.
Humihingi naman ng pang unawa ang QCPD sa publiko sa lilikhaing abala ng mga checkpoints.
Pinayuhan ni Esquivel ang mga lokal na kandidato sa Quezon City na makipag coordinate QCPD sa kanilang mga gagawing political rallies para sa ipatutupad na hakbanging panseguridad.
Iniutos din niya sa mga operatiba na gawing tuloy tuloy ang mga operasyon sa lahat ng uri ng kriminalidad partikular ang laban sa illegal drugs at sa paglipana ng mga loose firearms.