QCPD, Tiniyak ang ligtas at mapayapang kampanya ng mga lokal na kandidato sa QC

Tiniyak ni Quezon City Police District  Director, Police Brigadier General Joselito  Esquivel Jr  ang isang ligtas at mapayapang pagdaraos ng kampanya ng mga lokal na kandidato sa lungsod.

Inatasan ni Esquivel ang labindalawang police station commanders ng  QCPD na paigtingin ang paglalagay ng mga  dagdag na public  checkpoints sa mga strategic areas upang mapigilan ang

posibleng aktibidad ng mga wanted persons o mga criminal gangs na maaaring magamit na  gun-for-hire.


Humihingi  naman ng pang unawa ang QCPD sa publiko sa lilikhaing abala ng  mga checkpoints.

Pinayuhan ni  Esquivel  ang mga lokal na kandidato sa  Quezon City na makipag  coordinate QCPD  sa kanilang mga gagawing  political rallies para sa ipatutupad na hakbanging panseguridad.

Iniutos din niya sa mga operatiba na gawing tuloy tuloy ang mga operasyon sa lahat ng uri ng kriminalidad partikular ang laban sa illegal drugs at sa paglipana ng mga loose firearms.

Facebook Comments