QCPD, tiniyak na madi-dismiss ang pulis na sangkot sa pagnanakaw sa isang branch ng LBC courier service sa San Miguel, Bulacan

107

Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Antonio Yarra na masisibak sa serbisyo si Police Corporal Moises Yango na sangkot sa pagnanakaw sa isang branch ng LBC courier service sa San Miguel, Bulacan.

Ani Yarra, sisiguraduhin niyang madi-dismiss ang pulis dahil walang puwang sa kanilang hanay ang katulad ni Yango.


Batay sa report ng Bulacan Provincial Police, nitong nakalipas na araw ng Linggo pinasok ng mga armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet ang LBC branch, kinuha ang pera at agad tumakas.

Pero agad silang naharang ng mga rumespondeng pulis dahilan para maaresto at kalaunay natukoy na ang isa sa kanila ay si Police Corporal Yango.

Facebook Comments