QCPD, tiniyak na walang foul play sa pagkamatay ng security guard sa La Mesa Dam noong madaling araw ng Linggo

Walang nakikitang foul play ang Quezon City Police District (QCPD) sa sanhi ng pagkamatay ng isang 56-anyos na security guard na natagpuan sa lawa La Mesa Dam sa Quezon City .

Ayon Police Major Jennifer Gannaban ng Public Information Office- Quezon City Police District (PIO-QCPD), natagpuan ang bangkay ng lalaki bandang 2:30am kahapon malapit sa guest house ng La Mesa dam.

Ang biktima ay residente ng Tondo, Manila .

Ayon kay Gannaban, walang nakitang mga sugat sa katawan ng biktima at tinitingnang pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay nito.

Batay sa paunang imbestigasyon ng QCPD, nahulog ang lalaki habang sinusubukan na kumuha ng mangga mula sa isang puno.

Facebook Comments