QCPD, titiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours as panahon ng ECQ sa QC

Iniutos ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Ronnie Montejo sa mga station commander nito na higpitan pa ang implementasyon ng curfew hours sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ginawa ni Montejo ang kautusan bilang babala sa mga pasaway na patuloy na lumabas sa kanilang bahay sa panahon ng COVID-19 crisis.

Tiniyak naman ni Montejo na nanatiling matatag ang kahandaan ng QCPD na pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa antas komunidad.


Payo ni Montejo sa mga residente ng QC na manatili na lamang sa bahay.

Malaki, aniya, ang maitutulong ng publiko kung susunod sila sa paalala ng pamahalaang lungsod hinggil sa curfew hours, pag-obserba ng social o physical distancing at pagdala ng quarantine pass kung lalabas.

Facebook Comments