QCPD, tuluyan nang kinasuhan ang mga nagprotestang residente ng Sitio San Roque

Itinuloy ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsasampa ng patong-patong na kaso laban  sa mga  miyembro ng militanteng grupong Kadamay na nagkilos-protesta sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pagasa, Quezon City.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, dalawampu’t isa ang kanilang kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Kinabibilangan ito ng limang babae at labing anim na lalaki.


Paglabag sa Bayanihan to Heal as One, paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Events of Public Health Concern Act at paglabag sa Revided Penal Code Article 151 o Resistance to Person in Authority.

Sinabi ni Montejo na sa kabila ng ilang oras na pakiusapan, nagmatigas ang mga residente at itinuloy ang pagbarikada na isang paglabag sa ipinatutupad na social distancing dahil sa COVID-19.

Facebook Comments