Muling namahagi ng mga bagong kagamitan ang Quezon City LGU sa Quezon City Police District na magagamit sa pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad sa lungsod.
Kabilang sa ipinasakamay ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ay ang nasa 300 na piraso ng body cameras at 3,000 na mga posas.
Ayon kay QCPD Director Police Chief Supt Joselito Esquivel, sa pamamagitan ng mga bagong equipment, mapapalakas pa ng QCPD ang anti-criminality operations nito lalung-lalo na sa kampanya laban sa iligal na droga.
Hinamon naman ni Esquivel ang mga tauhan ng QCPD na tumbasan ang ibinubuhos na suporta ng Quezon City LGU sa pamamagitan ng mahusay na serbisyo.
Facebook Comments