QCPD, tumangging magkomento sa desisyon sa pagbasura ng korte sa kasong isinampa vs VP Sara

“No comment”

Ito lang ang isinagot ng Quezon City Police District (QCPD) kanina sa naging desisyon ng Quezon City Prosecutors Office na nagbasura sa kasong isinampa nila laban kay Vice President Sara Duterte.

Magugunita na nagsampa ang QCPD ng mga kasong direct assault, disobedience to authority, at grave coercion laban kay Duterte at sa security officer nito na si Col. Raymund Lachica at ilang John Does at Jane Does.


Tumatayong complainant dito si Lt. Col. Van Jason Villamor, Hepe, QCPD Medical and Dental Unit.

Nag-ugat ito nang pigilan ni VP Sara ang ilang tauhan ng QCPD habang inaasistehan ang ambulansya na maglilipat sa kaniyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez sa ospital.

Sa resolusyon na ipinalabas ni City Prosecutor Vimar Barcello, sinabi nitong walang sapat na batayan para isulong ang kasong isinampa laban kina Duterte.

Facebook Comments